Ang tansan at social experiment – Entry dated June 19, 2007

2008 February 14

Nung isang araw, pinag-uusapan namin dito yung damit ni Wendy sa PBB. Nakalabas na kasi halos lahat ng kanyang hinaharap. Magmula dun, nag-segue and usapan at napunta sa tanong na:

Bakit ang “mammary glands” (may censors), kahit nakalabas na lahat at tansan na lang nakatakip dun sa “you know what,” malaswa lang at di pa rin “bold” ang tawag? Para bang “those little thingies” are all that matter, he he.

Mapunta sa PBB ang usapan. Kakaibang development sya no? Galit na galit tayo sa mga German Nazis dahil sa death camps – ang venue ng various social experiments dati. Sa mga death camps na ‘to, nasagot ang mga tanong na hanggang saan kakayanin ng tao ang gutom bago niya ibenta ang lahat pati prinsipyo at kaibigan para sa pagkain? Kakayanin ba ng mga sundalo na patayin ang madaming tao (pati mga bata’t matanda) dahil sa ideolohiya? at kung anu-ano pang tanong.

Pero ngayon, kinukunsinti natin at kinatutuwaan ang social experiments na gaya nito sa panonood natin ng PBB, America’s Next Top Model, Beauty and the Geek (yun ba yun?) at kung anu-ano pang reality shows na kagaya nila.

Oo nga at hindi patayan ang nangyayari pero di ba’t tuwang tuwa tayo pag may nag-aaway, pag may nagkakagustuhan at kung anu-ano pang pangyayaring gaya nila?

Di ba’t ang mga pagsubok kuno na pinagdadaanan ng mga housemates ay hindi naman talaga para sa ikakahubog ng karakter ng mga housemates kundi para sa ikaliligaya ng mga milyun-milyong manunood sa labas ng bahay?

Masyado tuloy nagseryoso ang usapan. Time out!!!

(Repost from my Yahoo 360 blog)

3 Responses leave one →
  1. 2008 May 25
    Jinky Bagagñan permalink

    Hi nicole,

    Thanks for leaving a comment. Hope to see more of you. :)

    - Jinky

  2. 2008 May 16
    nicole permalink

    yah ur right..
    parang wala png manner
    hilig mangaway nun
    prang lking
    “Squaters”…
    right?

Trackbacks & Pingbacks

  1. If this is HOT now, what's next? | Cureless - blog, works and personal site of Yoru

Leave a Reply

Note: You can use basic XHTML in your comments. Your email address will never be published.

Subscribe to this comment feed via RSS